Ilang linggo na rin po akong sinusubukan magpalit ng iniinom tuwing hapon dahil sa hinala kong iyon na ang dahilan kung bakit ako laging gising pagdating ng gabi. Sa halip na magrefill ng kape habang nakaupo buong araw dahil sa WFH, gumagawa na lang ako ng tanglad na nilaga at iyon na ang iniinom ko sa hapon.
Mas mabilis naman akong naaantok kapag gabi kumpara noong lagi pang may kape sa katawan ko.
Pero may mga gabi pa rin na parang walang binago, gising pa rin ako habang nagguguhit lang sa notebook para pampakalma ng isip.
May nakasubok na rin po ba sa inyo ng tanglad o katulad na inumin bago matulog, epektibo ba talaga siya o placebo lang ang nangyayari sa akin?
