Hirap na hirap po akong makatulog dahil andun pa rin sa isip ko lahat ng kailangang ayusin bago ang lipat. Sinubukan kong isang bahagi na lang kada gabi, hindi na sabay-sabay.
Ito po ang ginawa ko:
– sketchbook muna sa isang gabi, sulatan naman sa susunod
– tumatayo at naglalakad bago pumasok sa kwarto, kasi buong araw akong nakaupo sa WFH
– hiwalay agad ang itatapon sa ipapamigay para wala nang babalikan
Mula noon, hindi na gaanong maingay ang isip ko paglapag sa kama, at mas mabilis din po akong nakakatulog kesa noong sabay-sabay ko inaayos ang buong kwarto hanggang gabing-gabi na.
