
Buong araw po akong nakaupo dahil work from home ako, at gabi-gabi naman ay puro pag-aayos ng kahon dahil malapit na kaming lumipat. Pagdating ng oras matulog, parang di pa rin mapakali ang katawan ko kahit pagod na pagod na.
Nitong nakaraan, sinubukan kong maglakad muna sa palibot ng bahay bago pumasok sa kwarto, sa halip na diretso na lang mahiga pagkatapos mag-ayos ng gamit. Sa umpisa hindi ko masyadong napansin ang pagbabago, pero itinuloy ko pa rin.
3 linggo na po ako ganito. Mas madali na akong makatulog kaysa dati, pero may mga gabi pa ring umaabot ng mahigit isang oras bago talaga ako makatulog, lalo na kapag marami akong naayos na kahon.
May nakasubok na rin ba dito na katulad, at ilang linggo bago talaga niyo naramdaman ang epekto?
