Malapit na po kasi kaming lumipat kaya unti-unti na akong nag-aayos ng mga gamit sa bahay.
Dati, hanggang gabi ako naka-laptop dahil work from home ako at halos buong araw nakaupo lang, tapos pagkapatay ng laptop, diretso pa rin ako sa phone hanggang matagal bago makatulog.
Ngayon po, pinapatay ko na ang laptop ng alas-9pm, tapos isang kahon lang ang inaayos ko bawat gabi bago matulog. Sa loob ng 2 linggo, umabot na ako ng 8 kahon na tapos.
Nakakatulog na rin akong mas maaga, mga alas-11pm na lang kumpara sa dati na hatinggabi pa.
