Simula nagde-declutter kami bago lumipat, gabi-gabi na lang akong nag-aayos ng kahon pagkatapos ng work from home. Buong araw nakaupo lang sa trabaho, tapos kahon na naman pagkatapos kumain.
Napansin ko, lalo akong gising pagkatapos mag-ayos, parang hindi pa naka-off ang utak.
Kaya nilagyan ko ng hangganan — hanggang alas-9 lang ang pag-aayos ng kahon. Pagkalipas nun, guhit muna ako konti, yun din naman ang ginagawa ko dati bago pa dumating lahat ng kahon.
2 linggo na ganito, mas maaga na akong natutulog ngayon, bago mag-11pm nakakatulog na. Minsan nalalagpasan ko pa rin ang alas-9 kasi marami talaga ang dapat ayusin bago lumipat…
